Idasal Mo

by Pinikpikan

Walang hanggan ang lakbay ng diwa
'Wag mo na lang piliting alamin pa
Tama na ang nakaapak sa lupa
Isipan mo naman ang syang gagala

May gagawin pa tayo sa mundo
Pagmamahal ang sasagip sayo
At kung sapat na ang pag-ibig
Ang mundo'y lilipad kasama tayo

At makiramdam sa paglalakbay, ingat lang
Sakaling ikaw ay maligaw ay banggitin mo Siya

Idasal mo idasal
Buhayin ang pagmamahal
Idasal mo idasal
Buhayin ang pagmamahal

1 comment: